Pharmally executive Krizle Mago bumaligtad sa naunang isiniwalat sa Senado

Pharmally executive Krizle Mago bumaligtad sa naunang isiniwalat sa Senado

Nakahandang maharap sa kasong perjury o pagsisinungaling si Krizle Mago kasunod nang pagbawi nito ng kanyang mga kontrobersiyal na pahayag sa Senado patungkol sa mga biniling personal protective equipment ng pamahalaan mula sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagharap sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Mago na na-pressure lamang siya sa paghayag sa Senado na dinaya nila ang pamahalaan sa takot na ma contempt.

Hindi anya totoo ang pahayag ng hindi pinangalanang testigo sa isang video na ipinakita ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig sa Senado na pawang damaged o sira na ang mga items na binili ng pamahalaan mula sa Pharmally.

Sa katunayan, mariing sinuri pa nga ang stocks nila ng face shields para maihiwalay na kaagad ang mga damaged at i-repack naman ang mga nasa maayos pang kondisyon para ang mga ito ang siyang kanilang ibibigay sa pamahalaan.

Kabaliktaran ito ng naunang testimonya ni Mago sa Senado na inutusan siya ng isa pang opisyal ng Pharmally na baguhin ang production dates ng mga face shields na ito.

Iginiit ni Mago na ang kanilang face shields, na hindi medical grade, ay pasok sa Technical Specifications ng Department of Health. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *