Bagyong Lannie patungo na ng Camotes Sea; Signal No. 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa bansa
Nasa bahagi na ng Canigao Channel at patungo na sa Camotes Sea ang Tropical Depression Lannie.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong coasta waters ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
– southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
– southern portion of Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
– southern portion of Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
– northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands.
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– Negros Occidental
– northern and central portions of Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City)
– Cebu
– Bohol
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– northern portion of Agusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City)
– Camiguin
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Visayas, MIMAROPA, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, at sa Dinagat Islands.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa CALABARZON at nalalabing bahagi ng Bicol Region at Mindanao.
Ayon sa PAGASA ang bagyong Lannie ay posibleng mag-landfall sa Siargao-Bucas Grande Islands.
Hindi naman na ito inaasahang lalakas pa at mananatili sa tropical depression category.
Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Kung magpapatuloy sa kasalukuyang direksyon ay magtutungo ito sa southern mainland China. (DDC)