Tropical Depression Lannie apat na beses nang nag-landfall ayon sa PAGASA

Tropical Depression Lannie apat na beses nang nag-landfall ayon sa PAGASA

Simula madaling araw ngayong Lunes (Oct. 4) naka-apat na landfall na ang Tropical Depression Lannie.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Lannie ay nag-landfall sa sumusunod na mga lugar:

– Bucas Grande Island (4:30AM)
– Cagdianao, Dinagat Islands (5AM)
– Liloan, Southern Leyte (7:30AM)
– Padre Burgos, Southern Leyte (8AM)

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay nasa bahagi ng Surigao Strait.

Marami pa ring lugar sa bansa ang nakasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ay maaring maglandfall pa ang bisinidad ng Palawan o Cuyo Islands.

Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *