Pharmally Executive na si Krizle Grace Mago haharap sa pagdinig ng Kamara

Pharmally Executive na si Krizle Grace Mago haharap sa pagdinig ng Kamara

Nakatakdang humarap ngayong araw sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Pharmally Pharmaceutical Corp. Executive Krizle Grace Mago.

Ayon kay Good Government and Public Accountability Chair Michael Aglipay, magpapatuloy ngayong umaga ang pagdinig kaugnay sa 2022 COA report ng Department of Health (DOH) at ang kontrobersyal na pagbili ng pamahalaan ng medical supplies sa Pharmally, kung saan itinuturing si Mago na “important witness” ng komite matapos nitong ibunyag ang pagpapalit ng production date sa mga faceshields na binili ng gobyerno.

Limitado lamang din ang mga kongresista sa pagkwestyon kay Mago na patungkol lamang sa isyu o sa iniimbestigahan ng Kamara.

Boluntaryong nagtungo si Mago sa Kamara noong Biyernes para humingi ng proteksyon matapos na makaranas ng pressure sa naunang pagharap nito sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi rin ni Aglipay na ito na ang huling pagdinig ng kanyang komite sa nasabing kontrobersiya. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *