P29.33M na halaga ng hindi rehistradong mga gamot nakumpiska ng Customs

P29.33M na halaga ng hindi rehistradong mga gamot nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng mga tauhan ng Burea of Customs (BOC) ang anim na shipments galing Hongkong na naglalaman ng mga hidni rehistradong gamot.

Nabatid ng BOC na ang 146,640 boxes ng mga gamot na laman ng kargamento ay walang FDA clearance.

Tinatayang aabot sa P29,328,000 ang halaga nito.

Isinailalim sa Pre-Lodgement Control Order at 100% physical examination ang mga kargamento na natuklasang naglalaman ng Lianhua Qingwen Jiaonang – na isang traditional Chinese medicine.

Hindi naman na mahagilap ng mga otoridad ang consignee ng mga kargamento at hindi ito nadatnan sa kaniyang given address.

Isinailalim na sa to seizure at forfeiture proceedings ang mga kargamento dahil sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Goods) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Food and Drugs Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *