Sablayan, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 5 kilometers northeast ng bayan ng Sablayan, alas 5:59 ng umaga ng Linggo, Oct. 3.
May lalim na 3 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Sablayan, Occidental Mindoro
Intensity III – Santa Cruz, Occidental Mindoro
Intensity II – Magsaysay, Occidental Mindoro at sa Pinamalayan, Oriental Mindoro
Ang naturang pagyanig ay nasundan pa ng magnitude 4.7 na aftershock sa parehong epicenter alas 7:33 ng umaga. (DDC)