1.8 million doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang suplay ng bakuna kontra COVID-19 mula Pfizer.
Alas 4:30 ng madaling araw ng Linggo, Oct. 3 ay dumating sa NAIA ang 1,813,500 doses ng Pfizer vaccine.
Ayon sa datos mula sa National Task Force Against COVID-19 umabot na sa 77,410,640 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang dumating sa bansa simula noong buwan ng Pebrero.
Una nang sinabi ng NTF na magtutuloy-tuloy ang pagdating sa bansa ng mga bakuna ngayong buwan ng Oktubre.
Dahil dito ay aasahan ang mas mabilis na vaccination drive sa general population.
Pinaghahandaan na din ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17. (DDC)