Pangulong Duterte inanunsyo ang pagreretiro sa pulitika

Pangulong Duterte inanunsyo ang pagreretiro sa pulitika

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal niyang pagreretiro sa pulitika.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos makapaghain ng kaniyang certificate of candidacy sa Comelec si Senator Bong Go.

Si Go ay naghain ng COC para tumakbong bise presidente sa 2022 elections.

Sinamahan ni Pangulong Duterte ang kaniyang long-time aide sa paghahain ng COC.

Ayon kay Go hindi niya hahayaang masayang ang mga nasimulan na ni Pangulong Duterte sa kaniyang administrasyon.

Sisikapin umano niyang maibalik sa normal ang pamumuhay ng lahat at maiahon sa hirap ang mga mamamayan.

Sa kaniyang maiksing pahayag sinabi ng pangulo na hiling niya ang tagumpay ni Go sa laban nito sa vice presidency.

Binanggit din ng pangulo na susundin niya ang gusto ng mamamayan kaya nagpasya siyang hindi na tumakbo at magretiro na sa pulitika.

“Sa mga kababayan ko, sundin ko ang gusto ninyo. And today I announce my retirement from politics. Salamat po sa inyong lahat,”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *