Pag-iral ng number coding suspendido pa rin ayon sa MMDA

Pag-iral ng number coding suspendido pa rin ayon sa MMDA

Sa pagsisimula ng buwan ng Oktubre, mananatili pa ring suspendido ang pag-iral ng number coding scheme sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), malaya pa ring makabibiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila.

Apela ng MMDA sa publiko at mga motorista, patuloy na sundin ang mga alituntunin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Alert Level 4 hanggang Oktubre 15.

Kabilang dito ang pagtiyak na nasusunod ang public health protocols upang mapangalagaan hindi lamang ang sarili kundi maging ang pamilya at ang komunidad laban sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *