Alert Level 4 sa NCR pinalawig hanggang October 15
Pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot implementation ng Alert Levels System sa National Capital Region (NCR) hanggang October 15, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napagdesisyunan din na dagdagan ng 10 percent pa ang allowable indoor capacities sa dine-in services, in-person religious services, at personal care services sa mga lugar na nasa Alert Level 4 of para sa fully vaccinated individuals.
Inaprubahan din ng IATF ang pagbubukas muli ng fitness studios at gyms pero limitado lamang sa 20 percent capacity para sa fully vaccinated individuals.
Lahat din ng gym workers ay dapat fully vaccinated.
Ang mga kliyente at service providers ay dapat laging nakasuot ng face mask at walang papayagang group activities.
Samantala, ang mga establisyimento na sa ilalim ng Alert Level 4 areas na mayroong Safety Seal Certification ay pinayagan ng dagdag na venue capacity na 10 percent. (DDC)