VP Robredo inendorso ng 1Sambayan bilang kanilang presidential candidate sa 2022 elections
Si Vice President Leni Robredo ang napili ng opposition coalition na 1Sambayan bilang kanilang presidential candidate para sa May 2022 elections.
Sa online briefing, sinabi ni lead convenor at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio inaasahan nilang magpapasya si Robredo sa kaniyang political plans sa lalong madaling panahon.
Bukas kasi, October 1 ang simula ng paghahain ng Certificate of Candidacy.
Sinabi ni Carpio na ang pagpili kay Robredo ay dumaan sa selection process kabilang ang pagsasagawa ng survey sa mga miyembro ng 1Sambayan at kanilang coalition partners.
Nagsagawa din ng assessment sa track record, competence, integrity, patriotism, vision para sa bansa at winnability ni Robredo.
Ani Carpio umaasa silang tatanggapin ni Robedo ang hamon.
Sakali man aniyang magpasya si Robredo na tumanggi ay muling magpupulong ang 1Sambayan para magpasya. (DDC)