Mahigit 1.2 million doses ng Moderna COVID-29 vaccines dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang 1,233,300 doses ng COVID-19 vaccines ng Moderna.
Dumating ang panibagong suplay ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport, gayong Huwebes ng umaga (Sept. 30).
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 863,800 doses dito ay para sa gobyerno habang 369,500 doses ang para sa pribadong sektor.
Sa panayam, sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na ang mga bakuna ay hahatiin sa mga prayoridad na rehiyon gaya ng Region 4-A, 3, 11, 12 at 7.
Gayundin sa mga lungsod na itinuturing pa din na “very vulnerable” at at mayroong “surge” ng kaso ng COVID-19.
Nagpasalamat si Galvez sa business sector sa dagdag na volume ng mga bakuna para sa bansa.
Sa kabuuan ayon kay Galvez, mahigit 71.3 million doses na ng mga bakuna ang nai-deliver sa bansa.
Una nang sinabi ni Galvez na sa buwan ng Oktubre mayroong 100 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa.
Dahil dito ay mapapabilis na aniya ang pagbabakuna sa iba pang sektor gaya ng mga menor de edad. (DDC)