Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nadagdagan pa
Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang naitalang unemployment rate para sa buwan ng Agosto ay 8.1 percent.
Higit na mataas kumpara sa 6.9 percent noong Hulyo at 7.7 percent noong Hunyo.
Paliwanag ni National Statistician, Usec. Dennis Mapa, ginawa ang pagkalap ng datos para sa latest Labor Force Survey mula August 9 hanggang August 28.
Pasok dito ang muling pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus simula noong August 6.
Ayon sa PSA, noong buwan ng Agosto nakapagtala ng 3.88 million na Filipino na edad 15 pataas na walang trabaho.
Mas mataas ito kumpara sa 3.76 million na naitala noong Hunyo at 3.07 million na naitala noong Hulyo.
Umabot naman sa 44.23 million na Filipino na edad 15 pataas ang naitalang mayroong trabaho.
Umabot naman sa 6.48 million Filipinos o 14.7 percent ang naitanang underemployed. (DDC)