Bagyong may international name na “Mindulle” hindi na papasok sa bansa
Hindi na papasok sa bansa ang bagyong may international name na “Mindulle”.
Pero ayon sa PAGASA ang trough o buntot ng nasabing bagyo ay nakaaapekto sa eastern section ng Northern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,560 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at apgbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Huwebes, Sept. 30 ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan. (DDC)