Mga sementeryo sa Maynila sarado sa panahon ng Undas

Mga sementeryo sa Maynila sarado sa panahon ng Undas

Isasara muli ang mga public at private cemeteries sa lungsod ng Maynila para sa paggunita ng Undas 2021.

Sa bisa ng Executive order No. 33 iniutos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagsasara ng public and private memorial parks, cemeteries, at columbaries sa lungsod simula October 29 hanggang November 3.

Kabilang dito ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery.

Nakasaad din sa executive order na tanging ang “interment” at “cremation” services sa mga non COVID 19 case ang papayagan basta’t kailangang masunod ang minimum public health standards at social distancing.

Inatasan ang mga direktor ng Manila Cemeteries, katuwang ang Manila Police District, Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, at ang Department of Public Services na ipatupad ang kautusan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *