Mahigit 12,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 12,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Sept. 29 ay umabot na sa 2,535,732 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 12,805 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,365,229 ang gumaling o katumbas ng 93.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 12,236 na gumaling.
132,339 naman ang active cases o katumbas ng 5.2 percent.
Umabot naman na sa 38,164 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent.
Ito ay makaraang makapagtala ng 186 pang pumanaw.
Muling nahuli ang pagpapalabas ng case bulletin ng DOH araw ng Martes dahil sa technical issues sa COVID Kaya.
Sa halip na alas 4:00 ng hapon ay pasado alas 5:00 na ng hapon inilabas ng DOH ang datos. (DDC)