Mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities unang babakunahan
Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pediatric vaccination kontra COVID-19 ay sisimulan sa mga edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities.
Ituturing kasi silang bahagi ng Priority Group A3.
Sa inilabas na pahayag ng DOH, palalawigin ang pagbabakuna sa mga menor de edad kapag naabot na ang coverage para sa pagbabakuna sa mga nasa A2 priority group o senior citizens.
Ayon pa sa DOH, kailangan ng maingat at planadong rollout ng pagbabakuna sa mga bata.
Sa ngayon ayon sa DOH, mababa ang severe COVID-19 infection o pagpanaw dahil sa COVID-19 sa mga healthy children.
Ayon kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, sa pagsasapinal ng guidelines para sa vaccination sa mga menor de edad, sinabi ng DOH kabilang sa titiyakin ang mga sumusunod:
– pagkakaroon ng parental o guardian consent bago ang vaccination sa bata;
– supply availability ng Pfizer at Moderna, na tanging bakuna na mayroong emergency use authorization para sa mga edad 12 hanggang 17.
– equitable access sa medical clearance para sa mga bata na mayroong co-morbidities. (DDC)