154 na nurse ng BFP ipinakalat sa mga ospital sa iba’t ibang panig ng bansa
Nagpadala ng 154 na mga nurse ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa iba’t ibang ospital sa bansa.
Ito ay para tumulong sa COVID-19 response sa mga pagamutan.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang 154 licensed nurses mula sa BFP ay nai-deploy na sa 27 private hospitals sa bansa para tumulong sa mga kakulangan ng staff.
Sa ilalim ng Nurse Deployment Program ng BFP, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya nakatutulong na ang mga nurse ngn BFP sa 27 pribadong ospital habang 7 iba pang ospital ang nag-request ng dagdag na nurse.
Sa 154 BFP nurses, 14 ang naka-assig sa People’s General Hospital sa Cagayan Valley; 19 sa Adventist Hospital sa MIMAROPA; 5 sa Legazpi City COVID-19 Center sa Bicol Region; 40 sa Metro Iloilo Hospital and Medical Center Inc.; 20 sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Western Visayas; 19 Sa Remedios Trinidad Romualdez Hospital sa Eastern Visayas; 10 sa South Philippine Medical Center; at 9 sa Davao Oriental Provincial Hospital.
Sa National Capital Region (NCR), mayroon na ding 18 BFP nurses na nai-deploy mula pa noong August 31, 2021. (DDC)