Oras ng pagpapalabas ng case bulletin ng COVID-19 ginawang alas 7:00 ng gabi
Binago ng Department of Health (DOH) ang oras ng pagpapalabas ng case bulletin ng COVID-19.
Ayon sa abiso ng DOH, simula ngayong araw ng Miyerkules, September 29 ay alas 7:00 na ng gabi ilalabas ang case bulletin sa halip na alas 4:00 ng hapon.
Ito ay dahil sa naranasang technical issues sa COVIDKaya.
Sinabi ng DOH na sa sandaling maresolba na ang technical issues ay muling ibabalik sa alas 4:00 ng hapon ang pagpapalabas ng case bulletin.
Ilang araw nang nade-delay ang pag-iisyu ng case bulletin ng DOH.
Nitong mga nagdaang araw ay may mga pagkakataon din na hindi naisama sa inilabas na report ang bilang ng mga pumanaw. (DDC)