P7.53M na halaga ng shabu, itinago sa mga damit at tsinelas nakumpiska sa Pasay City

P7.53M na halaga ng shabu, itinago sa mga damit at tsinelas nakumpiska sa Pasay City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P7.53 million na halaga ng shabu sa Pasay City.

Ang 1.1 kilos ng shabu na mayroong street value na P7,527,600 ay nakumpiska sa loob ng dalawang air parcels sa Fedex warehouse.

Isinailalim sa 100% physical examination ang kargamento at doon natuklasan ang 4 na plastik na naglalaman ng shabu na itinago sa mga t-shirts.

Batay sa importation documents, galing sa Malaysia ang kargamento na idineklarang mga damit, tsinelas at food chips.

Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay nai-turnover na sa PDEA para sa profiling at case build up laban sa mga nasa likod ng importasyon nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *