Typhoon Mindulle lalakas pa sa susunod na 12-oras

Typhoon Mindulle lalakas pa sa susunod na 12-oras

Inaasahang lalakas pa ang bagyong may international name na “Mindulle” sa susunod na labingdalawang oras.

Sa tropical cyclone advisory na inilabas ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 29 ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,420 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras malapit sa gitna.

Ayon sa PAGASA may posibilidad na hindi na papasok ng bansa ang bagyo at didikit lamang sa PAR line.

Gayunman, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na papasok ito sa bansa at agad ding lalabas sa loob ng 12 oras. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *