Isang kandidato para sa oposisyon, malabo ayon kay Sen. Lacson
Maliit ang tsansa na magkaroon ng iisang ticket ang oposisyon o ang non-administration forces para sa 2022 elections.
Ayon kay Presidential Aspirant at Senador Panfilo Lacson, sa kanyang pagtaya ‘very slim’ ang posibilidad na magkaroon ng one unity ticket.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong sina Lacson at Vice President Leni Robredo para sa posibilidad na magkaisa ang mga grupo na posibleng lumaban sa administrasyon sa 2022.
Subalit sinabi ni Lacson na ang iba pang personalidad na nakausap ni Robredo tulad nina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno ay nagdeklara na rin ng kanilang presidential bids para sa susunod na taon.
Nakatakdang maghain ng kanilang certificates of candidacy sa October 6 sina Lacson at ang kanyang vice presidential running mate na si Senate President Vicente Sotto III. (Dang Garcia)