Mahigit 13,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; halos 40,000 ang gumaling

Mahigit 13,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; halos 40,000 ang gumaling

Nakapagtala ng mahigit 13,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Sept. 28 ay umabot na sa 2,522,965 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 13,846 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,353,140 ang gumaling o katumbas ng 93.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 39,980 na gumaling.

138,139 naman ang active cases o katumbas ng 5.2 percent.

Umabot naman na sa 37,686 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.51 percent.

Ito ay makaraang makapagtala ng 91 pang pumanaw.

Muling nahuli ang pagpapalabas ng case bulletin ng DOH araw ng Martes dahil sa technical issues sa COVID Kaya.

Sa halip na alas 4:00 ng hapon ay pasado alas 5:00 na ng gabi inilabas ng DOH ang datos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *