Mahigit 20.5 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 20.5 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 20.5 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 44,361,285 ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,777,705 ang nabakunahan na ng first dose at 20,583,580 sa kanila ang fully-vaccinated na.

Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Ayon pa sa datos umaabot sa 427,399 ang average daily jabs ng COVID-19 vaccine.

Sa National Capital Region, mayroon nang 15,466,087 na total doses administered.

Sa nasabing bilang, 7,081,010 ang fully vaccinated na. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *