Pagbabakuna sa general population kabilang ang mga menor de edad inaprubahan ni Pangulong Duterte

Pagbabakuna sa general population kabilang ang mga menor de edad inaprubahan ni Pangulong Duterte

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa general population kasama ang mga menor de edad.

Sa kaniyang virtual press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil sa malaking bilang ng mga bakuna na inaasahang darating sa bansa sa susunod na mga linggo.

Bukas, Sept. 29 sinabi ni Roque na mayroong 391,950 doses ng Pfizer vaccines na darating sa bansa.

Ang bakuna ng Pfizer at ng Moderna ang mayroong Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration para magamit sa mga batang edad 12 hanggang 17.

Sa aniyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na sa katapusan ng Oktubre ay makakakuha na ang bansa ng 100 million doses ng bakuna kontra COVID-19.

Dahil dito, mas mapalalawig na aniya ang vaccination program sa mas nakararaming populasyon kasama na ang mga bata. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *