Pagsasagawa ng Bar Exams ngayong taon sinuspinde ng SC

Pagsasagawa ng Bar Exams ngayong taon sinuspinde ng SC

Sinuspinde ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng Bar Examinations na dapat ay nakatakdang gawin sa November 2021.

Ayon sa pahayag na inilabas ni Associate Justice Marvic Leonen, Bar Examinations chairperson, ito ay matapos ikonsidera ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito rin aniya ang payo ng mga eksperto para na rin sa kaligtasan ng lahat ng bar applicants at personnel.

Dahil dito ayon kay Leonen, nagpasya silang gawin na lamang sa Enero at Pebrero ng susunod na taon ang bar examinations.

Itinakda ang petsa ng bar exams sa January 16, 23, 30 at sa February 6, 2022.

Magpapatuloy ang lahat ng preparatory activities para sa Bar Examinations kabilang ang pagpili ng bar applicants sa venue, pag-download ng secure exam delivery program at iba pang aktibidad.

Payo ni Leonen sa lahat ng kukuha ng pagsusulit, samantalahin ang pagkakataong ito at gamitin bilang oportunidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *