Typhoon Mindulle bahagya pang lumakas; papasok sa bansa ngayong gabi o bukas ng umaga
Bahagya pang lumakas ang bagyong may international name na “Mindulle” habang nananatili sa labas ng bansa sa bahagi ng Philippine Sea.
Sa tropical cyclone advisory na inilabas ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Martes, Sept. 28 ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,460 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi o bukas ng umaga ay papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo pero agad ding lalabas bukas ng gabi.
Papangalanan itong Lannie sa sandaling makapasok ng PAR. (DDC)