DA iimbestigahan ang pagdagsa ng imported carrots galing China

DA iimbestigahan ang pagdagsa ng imported carrots galing China

Iimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang sinasabing pagdagsa sa bansa ng mura at imported na carrots.

Ayon sa DA, tiyak na smuggled ang nasabing mga carrots dahil hindi pinapayagan ng pamahalaan ang mag-import ng fresh vegetables maliban lamang kung frozen o processed na ang mga ito.

Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes ang imbestigasyon ay gagawin ng joint task force na kinabibilangan ng DA, Department of Trade Industry, ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bureau of Internal Revenue.

Ito ay para matukoy kung paanong nakapasok sa mga palengke ang mga smuggled carrots.

Kukumpiskahin aniya ng gobyerno ang mga smuggled na carrots sa merkado at maari ding masampahan ng kaso ang mga nag-import nito.

Una nang ibinunyag ng mga magsasaka sa Benguet na dumadagsa sa bansa ang mga imported na carrots galing China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *