P1.3 million na halaga ng smuggled na sibuyas galing China sinunog ng Customs

P1.3 million na halaga ng smuggled na sibuyas galing China sinunog ng Customs

Sinunog ng Bureau of Customs (BOC) ang sako-sakong mga sibuyas na ipinuslit papasok ng bansa galing China.

Ang pagsunog sa 13.5 million pesos na halaga ng mga sibuyas ay isinagawa sa loob ng isang pasilidad sa Terra Cycliq Corporation sa Brgy. Mantibugao, Manolo Fortich, Bukidnon.

Isinailalim sa incineration process ang mga sibuyas at saka ibinaon.

Ang naturang mga sibuyas ay nakumpiska ng Customs Intelligence and Investigation Service CDO (CIIS-CDO) lulan ng kargamento galing China na idineklarang “cream cheese” at “frozen puff pastries”.

Naka-consigne ang mga kargamento sa JDFallar Consumer Goods Trading at dumating sa Mindanao Container Terminal Sub-port noong August 10, 2021.

Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Sec. 1400 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang consignee ng kargamento. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *