Mahigit 18,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Mahigit 18,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala ng mahigit 18,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Sept. 27 ay umabot na sa 2,509,177 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 18,449 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,313,412 ang gumaling o katumbas ng 92.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 21,811 na gumaling.

158,169 naman ang active cases o katumbas ng 6.3 percent.

Umabot naman na sa 37,596 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.50 percent.

Ito ay makaraang makapagtala ng 195 pang pumanaw.

Nahuli ang pagpapalabas ng case bulletin ng DOH araw ng Lunes dahil sa technical issues sa COVID Kaya.

Sa halip na alas 4:00 ng hapon ay alas 6:00 na ng gabi inilabas ng DOH ang datos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *