1,499 healthcare workers sa Maynila nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot na sa 1,499 na healthcare workers (HCWs) sa lungsod ng Maynila ang nabakunahan kontra COVID-19.
Batay ito sa datos ng Manila Health Department (MHD).
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang nasabing datos ay sa loob lamang ng apat na araw na vaccination rollout ng Pamahalaang Lungsod.
Inanunsyo din ng alkalde na magbibigay ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 1,500 Sinovac vaccine vials sa Maynila.
Bukas, March 8 ay itutuloy ang vaccination rollout para sa mga healthcare worker sa lungsod.