CHR may hiwalay na imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng isang kadete ng PNPA
Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa insidente ng pagkasawi ng isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ayon sa CHR, batay sa ulat si of Third Class Cadet George Carl Magsayo ay pumanaw matapos ilang beses na suntukin ng kanilang upperclassman.
Sa pahayag ng CHR, nagsasagawa na ng independent probe ang CHR Region IV-A para matiya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Magsayo.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang ahensya sa pamilyang naulila ni Magsayo.
Ayon sa CHR mariin nilang kinokondena ang nangyari na resulta ng karahasan sa isang institusyon na kung saan ang mga kabataan ay dapat bumubuo ng kanilang pangarap, natututo at nade-develop ang kanilang character.
Ayon sa CHR, welcome sa kanila ang utos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa mga opisyal ng PNPA na rebisahin ang kasalukuyang rules, regulations at academic policies.
Sinabi ng CHR na dahil sa mga nakaraang insidente na nagreresulta ng pagkasawi ng mga kadete, dapat agad magpatupad ng concrete measures upang maiwasang maulit pa ang karahasan sa academy. (DDC)