116 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

116 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 116 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes – September 27, sumampa na sa 47,490 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,784 ang active cases at 45,198 naman ang gumaling.

508 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, makaraang makapagtala ng tatlo pang nasawi.

Ang 116 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Southern Leyte (55)
Leyte (33)
Samar (14)
Tacloban City (5)
Northern Samar (4)
Biliran (3)
Ormoc City (1)
Eastern Samar (1)

Kapwa nasa “high” ang average daily attack rate sa Southern Leyte at Biliran.

Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Leyte, Samar at Northern Samar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *