Mga guro at school personnel na lalahok sa pilot run ng face-to-face classes kailangang bakunado kontra COVID-19
Dapat bakunado kontra COVID-19 ang mga guro at iba pang school personnel na mapapasama sa pilot run ng face-to-face classes.
Ito ang inihayag ni DepEd Planning Service Director Roger Masapol sa idinaos na virtual Ceremonial Signing ng DepEd-DOH Joint Memorandum Circular para sa Pilot Implementation ng Face-to-Face Learning Modality.
Ayon kay Masapol, kailangan din na ang mga guro at personnel na kalahok sa face-toface classes ay mas mababa sa 65 ang edad.
Isasagawa ang pilot implementation sa 100 elementary public schools mula kinder hanggang Grade 3, limang public senior high schools, at 20 private schools.
Gagawin ito sa loob ng dalawang buwan at saka sasailalim sa assessment. (DDC)