Typhoon Mindulle humina pa; papasok sa bansa bukas ng umaga

Typhoon Mindulle humina pa; papasok sa bansa bukas ng umaga

Bahagyang humina ang Typhoon Mindulle habang nananatili ito sa Philippine Sea.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,590 kilometers East ng Extreme Northern Luzon, nananatiling nasa labas ng bansa.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-hilaga.

Bukas ng umaga inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at papangalanan itong “Lannie”.

Saglit lang itong mamamalagi sa loob ng bansa at agad ding lalabas sa Miyerkules.

Bagaman hindi inaasahang direktang makaaapekto ang bagyo sa bansa ay magdudulot ito ng malakas na alon sa northern at eastern seaboards ng Luzon.

Dahil dito, magiging delikado para sa maliliit na sasakyang pandagat ang paglalayag. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *