Sen. Poe pinarerebisa ang proseso sa pagbibigay ng Centenarian Cash Gift

Sen. Poe pinarerebisa ang proseso sa pagbibigay ng Centenarian Cash Gift

Hinimokni Senador Grace Poe ang gobyerno na pag-aralan ang proseso sa pagbibigay cash gift sa mga lolo at lola o mga centenarians.

Iginiit ni Poe na marami sa mga centenarian ang namamatay na lamang nang hindi nakukuha ang kanilang cash gift.

Nanawagan ang senador na ayusin ang proseso ng gobyerno sa pagbibigay insentibo upang mapakinabangan pa ng mga centenarian.

Iginiit ng senador na dapat magpatuloy ang koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan upang palagiang updated ang kanilang listahan.

Sa ganitong paraan matitiyak na magiging handa na ang insentibo bago pa ang ika-100 kaarawan ng mga lolo o lola.

Binigyang-diin ni Poe na dapat lamang na bigyang pagkilala ang mga centenarians na nagsilbing source of wisdom ng komunidad. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *