Piskalya kinalampag sa reklamo laban sa alkalde ng Noveleta, Cavite hinggil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act

Piskalya kinalampag sa reklamo laban sa alkalde ng Noveleta, Cavite hinggil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act

Kinalampag ng isang Governance Watchdog ang City Prosecutors Office ng Cavite dahil sa kawalan ng aksyon sa mga kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act at iba pa, na isinampa laban kay Noveleta, Cavite Mayor Dino Reyes Chua.

Nabatid ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Oinoy Aksyon) na si Chua, kasama si Mario Batuigas, may-ari ng online news site na Latigo News TV at Vlogger na si Amor Virata, ay kinasuhan ng paglabag sa Bayanihan 1 Act, Libel, paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law at Data Privacy Law ng PNP Calabarzon Anti-Cybercrime Group.

Mahigit isang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ang Cavite Prosecutors Office hinggil sa asunto.

Iginiit ng grupo na ang pagkaantala sa resolusyon sa mga kasong may kaugnayan sa COVID-19 ay maaring magpabagsak sa tiwala ng publiko sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Panawagan ni Pinoy Aksyon Convenor Bencyrus Ellorin kay Prosecutor Cristina Tuazon-Alberto, panahon na para mapanagot ang mga public official at patunayang gumagana ang legal system sa bansa laban sa impunity, anuman ang porma nito. (Ricky A. Brozas)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *