Bagyong may international name na “Mindulle” papasok sa bansa bukas ayon sa PAGASA

Bagyong may international name na “Mindulle” papasok sa bansa bukas ayon sa PAGASA

Isang malakas na bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayong Typhoon na mayroong international name na “Mindulle” ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,600 kilometers east ng Extreme Northern luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa Martes. September 28 ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo pero agad ding lalabas ng bansa sa Miyerkules, September 29.

Papangalanan itong “Lannie” sa sandaling makapasok na sa bansa.

Dahil sa trough ng bagyo at sa localized thunderstorms ang buong bansa ay makararanas ng isolated na pag-ulan ngayong araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *