Mahigit 20,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; bilang ng mga nasawi ilang araw nang hindi nababago dahil sa technical issues

Mahigit 20,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; bilang ng mga nasawi ilang araw nang hindi nababago dahil sa technical issues

Nakapagtala ng mahigit 20,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Sept. 26 ay umabot na sa 2,490,858 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 20,755 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,292,066 ang gumaling o katumbas ng 92 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 24,391 na gumaling.

161,447 naman ang active cases o katumbas ng 6.5 percent.

Nanatili naman sa 37,405 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.50 percent.

Ito na ang ikatlong araw na hindi gumagalaw ang datos ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, walang nai-report na dagdag na nasawi dahil sa naranasang technical issues sa COVIDKaya.

Ginagawan na umano ito ng paraan ng Department of Information and Communications Technology o DICT. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *