Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City mahigit 149,000 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 161,571 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 26.
Samantala, nasa 10,517 o katumbas ng 6.51 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
149,646 o 92.62 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,408 o 0.87 percent ang nasawi. (DDC)