Mga labi ni PNPA Cadet 3rd Class George Karl Magsayo binisita ni Eleazar
Binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang burol ni PNP Academy (PNPA) Cadet 3rd Class George Karl Magsayo.
Ang mga labi ni Magsayo ay nakahimlay sa PNPA Compound sa Silang, Cavite.
Sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa pamilya ni Magsayo, tiniyak ni Eleazar ang mabilis na resolusyon sa kaso.
Nangako din si Eleazar sa mga naulila ng kadete na mabilis maibibigay ang hustisya sa biktima.
Si Magsayo ay pinaniniwalaang biktima ng insidente ng hazing sa PNPA. (DDC)