Polisiya ng PNPA pinarerebisa kasunod ng panibagong insidente ng hazing

Polisiya ng PNPA pinarerebisa kasunod ng panibagong insidente ng hazing

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pag-rebisa sa umiiral na polisiya ng PNP Academy.

Kasunod ito ng pagkasawi ni Cadet 3rd Class George Carl Magsayo.

Ayon kay Eleazar, partikular na ipinarerebisa niya ang rules and regulations at ang academic policies ng PNPA.

Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Magsayo.

Tiniyak ni Eleazar sa publiko, at sa magulang ng mga ng mga kadete na hidni kailanman ipinopromote ng PNP ang hazing o anumang uri ng pananakit sa mga kadete.

Batay sa unang report na natanggap ng PNP, noong September 23, limang beses na sinuntok si Magsayo ng kaniyang upperclassman na si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat dahilan para mag-collapse ito.

Dinala pa si Magsayo sa ospital pero idineklarang dead on arrival. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *