Mahigit 18,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; mahigit 9,000 pa ang gumaling
Nakapagtala ng mahigit 18,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Sept. 24 ay umabot na sa 2,453,328 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 18,659 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,240,599 ang gumaling o katumbas ng 91.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 9,088 na gumaling.
175,324 naman ang active cases o katumbas ng 7.1 percent.
Wala namang naitalang nadagdag sa bilang ng nasaw na nasa 37,405 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.54 percent.
Paliwanag ng DOH, walang nai-report na dagdag na nasawi dahil sa naranasang technical issues sa COVIDKaya.
Ginagawan na umano ito ng paraan ng Department of Information and Communications Technology o DICT. (DDC)