AFP magtatalaga ng limang medical teams sa mga ospital sa NCR para tumulong sa COVID-19 response

AFP magtatalaga ng limang medical teams sa mga ospital sa NCR para tumulong sa COVID-19 response

Tutulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga ospital sa Metro Manila bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa AFP, limang medical team nila ang ipadadala sa mga ospital sa NCR.

Ang dalawang team ay mula sa Philippine Army, at tig-iisang team mula sa AFP Health Services Command, Philippine Navy at Philippine Air Force.

Bawat team ay bubuuin ng isang doktor, isang nurse, at tatlong aidmen.

Ayon sa AFP, ang Inter-Agency Task Force for COVID-19 ang tutukoy kung saang medical facilities sa NCR ide-deploy ang medical contingent ng Sandatahang Lakas.

Samantala, nagpapatuloy ang pagprosesso ng AFP sa mga bagong recruit na military doctors at nurses para mas mapalakas pa ang kakayahan ng Medical Corps. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *