Grand Coronation Event para sa Miss Universe Philippines inaprubahan ng IATF
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagdaraos ng Grand Coronation event ng Miss Universe Philippines.
Ang aktibidad ay gaganapin sa Bohol simula sa September 26 hanggang sa October 21.
Nakasaad sa IATF Resolution No. 140n na dapat masiguro ng organizer na masusunod ang isinumite nilang health and safety protocols.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Miss Universe Philippines Organization na bilang pagsunod sa IATF protocols tanging ang mga fully-vaccinated individuals at mayroong negatibong RT-PCR results ang papayagan sa event at maging bahagi ng tatawaging “MUPh bubble”.
Kabilang dito ang mga delegado, MUPh staff, production, audience members at iba pang allied suppliers.
Habang nasa loob ng bubble, hindi sila pwedeng magkaroon ng close interaction sa sinuman sa labas kabilang ang mga locals sa Bohol.
Lahat ng pageant activities na gaganapin sa loob ng Henann Resort ay ise-secure at lalagyan ng kordon para maiwasang makapasok ang mga hindi bahagi ng bubble.
Mahigpit ding ipatutupad ang pagsusuot ng face masks at face shields.
Ang venue, mga bus at mga lugar kung saan gaganapin ang MUPh ay sasailalim sa disinfection bago at pagkatapos ng bawat event.
Ang mga pagkain ay individually packed at ide-deliver sa bawat room.
Kung magkakaroon man ng special dining events ay gagawin ito sa al fresco dining areas at ipatutupad ang 1 table person.
Ayon sa Misss Universe Philippines, katuwang nila sa pagdaraos ng event ang Provincial Government ng Bohol. (DDC)