Mahigit 19.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 19.6 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni Presidential Spokesperson harry Roque sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 43,088,582 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 23,416,857 ang nabakunahan na ng first dose at 19,671,725 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Ayon pa sa datos umaabot sa 417,420 ang average daily jabs ng COVID-19 vaccine.
Sa National Capital Region, mayroon nang 15,175,704 na total doses administered.
Sa nasabing bilang, 6,826,274 ang fully vaccinated na.
Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID19 na inaasahan ang mas mabilis na vaccination drive ng pamahalaan dahil sa tuluy-tuloy nang pagdating ng suplay ng bakuna. (DDC)