Mga kandidato sa eleksyon at Comelec officials kabilang sa ituturing na APOR
Isinama ng Inter Agency Task Force ag mga kandidato at mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa mga itinuturing na APOR o authorized persons outside of residence.
Kasunod ito ng nalalapit na paghahain na ng certificate of candidacy para sa 2022 national elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng IATF na mapasama sa listahan ng mga APOR ang mga opisyal at empleyado ng Comelec.
Sa kasagsagan ng paghahain ng COC mula October 1 hanggang 8, ituturinf na APOR ang mga sumusunod:
– Chairperson/President, Secretary-General o sinumang authorized Representative ng isangs Political Party, Sectoral Party, organization o coalition sa ilalim ng party-list system
– aspirants o authorized representatives nito
– companions as authorized under Comelec Resolution No. 10717
– Comelec officials/personnel na ang trabaho ay may kaugnayan sa pagsusumite ng Certificates of Candidacy at iba pang documents/materials sa Comelec Main Office
Ang paghahain ng COCs para sa mga national candidate para sa 2022 national elections ay isasagawa sa itatayong tent sa Sofitel hotel sa halip na sa main office ng Comelec sa Intramuros. (DDC)