Quarantine Leave with Pay isinusulong sa senado

Quarantine Leave with Pay isinusulong sa senado

Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang panukala para sa pagbuo ng mekanismo upang mabawasan ang negatibong epekto ng kasalukuyang pandemya at mga kahalintulad na pangyayari sa susunod na panahon.

Inihain ni Lapid ang Senate Bill 2404 para sa pagbibigay ng 28 paid quarantine leave kada taon na katumbas ng daily wage rate sa mga apektadong manggagawa sa public at private sectors.

Ang paid quarantine leave ay para sa mga manggagawang tatamaan ng sakit sa pagtupad sa knayang trabaho.

Hindi rin mahalaga ang employment status ng manggagawa sa panahon na tinamaan siya ng sakit.

Sa pamamagitan ng panukala, maiiwasan ang pagkalat ng sakit at matutulungan ang mga naapektuhan.

Ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), ang magre-reimburse ng paid quarantine leaves ng empleyado.

Gayunman, ang employer ang sasagot sa benepisyo kung mapapatunayang dahil sa kapabayaan nito ang dahilan ng pagkakasakit ng empleyado.

Kung tatanggi ang employer na magbayad ng quarantine leave benefit, papatawan ito ng multang mula P30,000.00 hanggang P200,000. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *