Voter’s ID hindi pwedeng gawing requirement sa pagpapabakuna

Voter’s ID hindi pwedeng gawing requirement sa pagpapabakuna

Ngayong nalalapit na ang eleksyon, mahigpit ang paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na hindi dapat ginagawang requirements para sa pagpapabakuna ang voter’s ID.

Maliban sa vaccination, hindi din pwedeng gawing requirements ang voter’s ID para maka-avail ang mga residente ng serbisyo ng LGU gaya ng medical services at financial assistance.

“Inuulit po namin —-hindi po dapat hinahanapan ng Voter’s ID ang ating mga kababayan para makakuha at mapakinabangan ang serbisyo at paglilingkod mula sa mga pamahalaang lokal. It is and will never be a requirement set by the national government nor the DILG,” ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

Ayon kay Malaya, hindi dapat sini-single out ang mga residente na walang voter’s ID.

Maliban sa voter’s ID ay marami naman aniyang iba pang government IDs na pwedeng iprisenta bilang proof of identity.

“Having no voter’s ID does not make one a second-class citizen. We should never discriminate against those who cannot present their voter’s ID nor deprive them of the essential services that they deserve,” dagdag ni Malaya.

Ginawa ng DILG ang paalala matapos makatanggap ng mga ulat na may ilang LGUs ang nire-require ang pagpapakita ng Voter’s ID para magkaroon ng access sa government services.

Apela ng DILG sa publiko, agad isumbong sa ahensya ang mga ganitong insidente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *