396 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

396 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 396 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng HUwebes – September 23, sumampa na sa 46,728 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,272 ang active cases at 43,962 naman ang gumaling.

494 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 396 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (123)
Southern Leyte (67)
Biliran (62)
Northern Samar (57)
Samar (45)
Tacloban City (18)
Eastern Samar (15)
Ormoc City (9)

Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte at Biliran.

Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Samar at Northern Samar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *